Marvin Agustin kaibigan na lang ang turing sa ina ng kanyang kambal

LOVELESS pa rin kuno hanggang ngayon si Marvin Agustin kahit pa sabihing nagkaroon ng cruise trip ang pamilya niya lately. Ipinasyal ni Marvin hindi lang ang kanyang kambal kundi pati na rin ang ina ng mga ito na si Tetet.

Nasabi ito ng aktor nang ma-corner siya ng press sa Artista Academy set. Masaya niyang naibalita na dahil sa cruise na ito, lalong naging strong ang bonding niya sa kanyang kambal na lalaki at pati na rin sa rating ka-relasyon na Tetet.

Hindi raw nila pinag-usapan ang anumang bagay hinggil sa kanilang love life kundi ang tungkol kabutihan ng kanilang kambal na lalong nagiging palatanong lately sa kanilang buhay.

Aminado si Marvin na parehong extrovert ang kambal kaya posibleng pasukin rin ng mga ito ang showbiz. Hindi raw niya mapipigilan ang dalawa kung naisin nilang sumunod sa yapak ng ama.

Sa bagong trabaho ngayon ni Marvin bilang host ng Artista Academy, isa na namang challenge ito sa kanya.

Bago niya pasukin ang hosting, kinailangan niyang mag-training muna kay Boy Abunda ng proper way of doing it. Natutunan ni Marvin na hindi kailangang magdadaldal ang host. Dapat lang ay marunong siyang makinig sa kanyang kausap.

Nagustuhan ni Marvin ang hosting ng Artista Academy dahil one week siyang host ng show. Monday to Friday ito mapanonood right after Wil Time Big Time. Bukod pa rito, kasama pa rin niya si Cesar Montano tuwing Saturday telecast.

Magsisimula na this week ang Artista Academy kung saan ipalalabas ang 75 candidates mula sa 13,000 na nag-audition kung saan ang kukunin lang ay 16 finalists na panggagalingan ng dalawang winners na isang babae at isang lalaki na parehong may gantimpalang P10 million each. Pero ang 16 candidates ay sigurado nang makukuha ng TV5 bilang kanilang contract stars.

000

KAHIT gustuhin man ni Louella Albornoz ang magandang pagtanggap muli ng showbiz sa kanya ngayon buhat nang bumalik siya noong pang Mayo 2012, hindi pa rin daw niya maiiwanan talaga ang trabaho niyang naiwan sa San Francisco, California bilang special child teacher at roving librarian.

Ayon kay Louella nang nakausap namin sa set ng Tweets for My Sweet, mahalaga sa kanya ang trabaho niyang ito dahil sa America kapag nag-retire ka ay may security of tenure, bukod pa sa may libreng hospitalization ng kapag nagkasakit ka. Hindi niya inaalis sa kanyang isipan na siya’y papunta na sa pagtanda.

Bukod pa rito, lahat ng anak niya ay nag-aaral ngayon sa America at kabilang din ang kanyang asawa na may regular job din doon.

Kahit sabihing mahirap manirahan sa America, compensated naman lahat ng kinikita niya roon. Kapag pinagsama-sama ang kita niya at ang kanyang asawa ay makaiipon rin sila.

Sa pagbalik ni Louella sa Pilipinas, nakahingi lang siya ng mahaba-habang bakasyon kaya patuloy pa rin siyang nakalalabas sa mga programa ng GMA 7, TV5 at ABS-CBN.

0000

TOTOO bang nagkaka-developan na sina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose? Kasi, parehong walang nali-link ngayong sa dalawa. Ibig sabihin dahil sa pagiging close nila ay naka-sentro na lang sa kanila ang kanilang friendship.

Walang kinukwento si Elmo na nililigawan niya, gayundin si Julie Anne ay di nagkukwento sa mga lalaking nagpaparamdam sa kanya.

Hindi naman kataka-taka kung magkadevelopan ang dalawa dahil magkasama sila sa Party Pilipinas at Together Forever, bukod pa sa movie na kanilang ginagawa ngayon na ipalalabas na sa August 16, ang Just One Summer.

Ang Together Forever ay mapanonood tuwing Sunday pagkatapos ng Party Pilipinas.

000

HINDI pa rin pinaliligtas ng marami na panoorin ang Kap’s Amazing Stories tuwing Sunday na hosted by Sen. Bong Revilla. Bagong kaalaman sa kalikasan ang laging sinusuri ni Sen. Bong.

Tulad ngayon, tungkol pa rin sa buhay ng mga ibon na malaki’t maliit na matutunghayan sa Europa. Super lamig sa Europe kapag winter, paano kaya sila nagsu-survive sa ganoong klima?

Anyway, hindi lang hayop ang tatalakayin kundi pati na rin ang buong kalikasan ng Europa ay kasama.

000

HINDI kinalilimutan ni Cong. Manny Pacaquiao ang kanyang programang Manny Many Prizes dahil malapit sa kanyang puso ito.

Gusto niyang makatulong sa mga mahihirap at isang paraan ang pagbibigay ng premyo para makatulong sa mga taong nangangailangan. Kahit dalawang Sabado na hindi nakasisipot si Manny, andon pa rin siya sa diwa ng programa dahil pareho ang pamimigay ng ginawa ng mga host ng show para sa mga contestants.

Last Saturday ay talagang sumipot na talaga si Manny. Nagkasunud-sunod kasi ang disaster sa kanyang distrito sa Sarangani dahil binagyo ito nang husto kaya kailangan niyang tulungan ang mga mamamayan doon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply