Masanay sa pagbaha kahit walang bagyo – Paje

MASANAY na umano tayo sa palagiang pagbaha kapag umuulan kahit walang bagyo. Ito ang sinabi ni Environment and Natural Resources Secretary Ramon Paje ngayon.

Ani Paje, tanggapin na natin ang reyalidad na lumalakas ang tama ng bagyo sa bansa, at kahit pa walang bagyo, ay ang Hanging Habagat ang nagbibigay ng malakas na ulan.

Aniya, wala tayong magagawa kundi ang mag-adapt sa pagbabago ng klima at maging handa sa magiging epekto nito sa bansa.

Pinayuhan din ni Paje ang mga Pinoy na huwag maging “sutil” at matigas ang ulo. Aniya, hindi matatabunan ang isang pamilya sa Litex, Brgy. Commonwealth, Quezon City kung nakinig sila sa payo ng gobyernong lumipat, dahil 2002 ay nakumpirma ng landslide susceptible ang nasabing lugar.

Hihilingin umano niya sa lokal na pamahalaan ng Quezon City na ideklarang “permanent danger zone” ang nasabing lugar na bawal ng tirahan ng tao.

Sinabi ni Paje, na alam naman umano ng mga Pinoy na isa ang Pilipinas sa pinakamatinding tatamaan ng pagbabago ng klima kaya aniya nagdodoble-kayod ang gobyerno upang masolusyunan ito o mabawasan man lamang ang pinasala.

Nagsasagawa na umano ng convergence project ang DENR sa tulong ng Department of Public Works and Highways (DPWH) upang makagawa ng maliliit na water impounding dams sa mga matataas na lugar dahil kung pababayaan umanong makababa ang tubig, siguradong baha ang kalalabasan nito.

Aniya, may nadebelop na rin ang Agriculture Department ng isang klase ng palay na kayakayanin ang pagbabago ng klima.

Kahit umano ang Mines and Geosciences ay gumagawa na rin ng bago at mas malaking geohazard maps na ipamamahagi sa lahat ng barangay sa buong bansa.

Nakapamahagi na ang DENR ng mahigit 75,000 geohazard maps bago pa nanalasa ang baha.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply