Masarap daw halikan si Eugene Domingo! (Ganuned?)

TOTOO namang hindi madu-duplicate ni Eugene Domingo ang acting ni Nora Aunor sa pelikulang Bona pero malamang na hindi rin makakayang gawin ni Guy ang magagawa ni Uge sa Bona ng PETA (Philippine Educational Theater Association).

“Dramedy” (drama-comedy) ang Bona ng PETA na magsisimula ng itanghal sa Agosto 24. Siguro nga ay may comic sense rin si Guy pero hindi pa n’ya nailalabas yon samantalang kilalang-kilala na ang versatility ni Uge bilang aktres.

Sa press conference ng PETA para sa Bona nung Martes ng gabi, saludung-saludo si Uge kay Guy. Tribute nga raw n’ya sa superstar ang performance n’ya, kahit na nilinaw n’yang hindi paggaya sa acting ni Guy ang gagawin n’ya sa 25 pagtatanghal ng  Bona.

Tatlong buwang hindi tatanggap ng trabaho sa pelikula at telebisyon si Uge–mula nung Hulyo hanggang Setyembre dahil inilalaan n’ya ang tatlong buwang iyon sa rehearsal at pagtatanghal ng Bona. Alam n’yang malaking sakripisyo yon para sa kanya financially–pero ganu’n nya kamahal ang teatro na kanyang pinagmulan.

Ang Dulaang UP (University of the Philippines) ang tinutukoy n’yang pinagmulan. Actually, first time n’ya sa PETA. Pero first time rin naman sa nasabing dulaan ng batambatang leading man n’yang si Edgar Allan Guzman.

May kissing scene sila… at sex scene sa bath tub. Nung presscon, dalawang tagpo ang ipinerform nila, at isa ru’n ay yung may kissing scene.

Masarap daw halikan si Uge, sagot ni Edgar Allan nung tinanong siya tungkol dito. Nag-gurgle daw ng menthol listerine si Uge, aniya, bago sila sumampa sa entablado.

Si Soxy Topacio ang direktor nila at ayon kay Direk, hanggang naka-brief raw ang gagawing paghuhubad ni Edgar sa bath tub scene nila. Walang nakaalalang magtanong kung hanggang saan ang gagawing paghuhubad ni Uge.

Hanggang panty kaya, o hanggang panty at bra? In fairness to Uge, slim siya. Sori, wala ring nakaalalang magtanong kung ano’ng sukat ng bewang n’ya ngayon.

Magkakaro’n ng comedy ang Bona ng PETA dahil may best friend na bading si Bona sa dulang isinulat ni Layeta Bu -coy. Magka-alternate na gagampanan nina Joey Paras at Phil Noble ang best friend ni Bona.

Sa pelikula, bulakbol na estudyante si Bona na nahibang at nagpaalipin sa isang hamak na stuntman sa pelikula (at yon ay ginampanan ni Phillip Salvador).

Sa bersyon ng PETA, callcenter agent si Bona at ang best friend n’yang bading.

Hindi stuntman si Edgar na kahìhibangan ni PETA kundi isang hamak na contestant sa mga lalaking nangangarap mag-artista.

Wala nga palang ka-alternate sina Uge at Edgar kaya’t anumang araw (o gabi) kayo manood, laging sila ang gaga- nap.
Halos dalawang oras ang pagtatanghal dahil ipakikita ang family background ni Bona.

May kapatid siyang babae, bayaw na walang silbi, at pagkarami-raming pamangkin na ang isa ay ginagampanan ni BJ Forbes na halos teen-ager na ngayon at guwapitung-guwapito pa rin.

Very showbiz nga pala ang Bona ng PETA dahil ipapakita rin dito ang papel ng mga manager-manedyeran ng mga  star-wannabe.

Magpoprodyus pa nga si Bona ng indie film para kay Gino (pangalan ng karakter ni Edgar).

Sa Agosto 24 na nga magsisimulang itanghal sa PETA Center ang Bona. Sa alas otso ng gabi ang pagtatanghal tuwing Biyernes, pero tuwing Sabado at Linggo, may show din tuwing 3 pm.

Para sa mga presyo ng tiket at direk- syon sa pagpunta sa PETA Center, tumawag sa 725-6244, 0917-5765400, o mag-email sa petatheater@gmail.com. Pwede ring mag-log-on sa www.petatheater.com.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply