Mass layoff sa DAR itinanggi ni Sec. Delos Reyes

TINIYAK ngayon Agrarian Reform Secretary Virgilio Delos Reyes na walang magaganap na mass layoff sa libo-libong empleyado ng Department of Agraria Reform.

Inihayag ito ni Delos Reyes kasunod ng naglabasang balita na sisibakin ang mahigit 9,000 empleyado ng kagawaran para sa nakatakdang re-organization ng ahensya.

Bilang paglilinaw, sinabi ni Delos Reyes na rerepasuhin lamang nila katuwang ang Department of Agriculture at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang basic functions ng tatlong ahensya para magkaroon ng re-configuration.

Tiniyak ng kalihim na walang sibakang mangyayari at isinasaalang-alang nila ang welfare ng kanilang mga empleyado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply