Masungit na panahon asahan – PAGASA

DAHIL sa dalawang bagyo ang nakaaapekto sa bansa ay asahan na ang masungit na lagay ng panahon sa Hilagang Luzon hanggang sa susunod na linggo, ayon sa PAGASA.

Sa pinakahuling update ng PAGASA, nananatiling malakas ang bagyong Igme kahit tumama na ito sa kalupaan ng katimugang bahagi ng Taiwan.

Si Igme ay huling namataan base sa satellite and surface data sa layong 220 kilometro sa Hilaga Hilagang Kanluran ng Basco, Batanes.

Taglay ni Igme ang hangin na 140 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong 170 kilometro kada oras.

Inaasahang iikot ng pakaliwa si Igme dahil sa epekto ng bagyong Julian at ito ay tinatawag na Fujiwara effect.

Namataan naman si Julian sa 1,050 kilometro sa Silangan ng Basco, Batanes.

Taglay ni Julian ang lakas ng hangin na umaabot sa 150 kilometro kada oras at may pagbugsong 185 kilometro bawat oras.

Sa pagtaya ng PAGASA, inaasahang kikilos ang nasabing bagyo ng pa-Kanluran Hilagang Kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Nakataas pa rin ang storm signal No. 2 sa Batanes Group of Islands, habang signal No. 1 naman sa Calayan at Babuyan Group of Islands.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply