Matapos patayin ang nobya sa motel, kelot nagbigti sa puno ng kasoy

NAGKABUTAS-BUTAS ang katawan ng isang dalaga nang pagsasaksakin ng kanyang sariling nobyo bago nagbigti sa puno ng kasoy sa Iloilo kaninang madaling-araw.

Nagtamo ng limang saksak sa iba’t ibang parte ng katawan at namatay noon din ang biktimang si Jocel Avancio, ng Nueva Valencia, Guimaras.

Ayon kay Police Inspector Rey Tenala, hepe ng pulisya ng San Lorenzo sa bayan ng Guimaras,  ilang sandali matapos ikasa ang krimen, natagpuan ang bangkay ng suspek na si Rafael Epilepsia na nakabitin sa puno ng kasoy ilang metro lamang ang layo sa nasabing lodging house.

Sa nakarating na ulat sa Camp Crame, natuklasan ang bangkay ni Avancio dakong 5 ng madaling-araw sa loob ng nirentahang kuwarto ng magnobyo sa Villa Demetria lodging house sa Hechanova St., Luna Paz, Iloilo.

Ayon sa amo ni Avancio na si Reynaldo Disyerto, bago ang insidente ay sinundo ng suspek ang kanyang kasambahay dakong alas-5 ng hapon nitong nakaraang araw ng Linggo para mag-date.

Sa talaan ng naturang lodging house, nag-check in ang mag-nobyo dakong alas 9 nitong Linggo ng gabi pero nagulantang ang roomboy nang matagpuang patay na si Avancio ganap na alas-5 ng madaling-araw.

Sinabi ni C/Insp. Alexander Rosales, hepe ng Lapaz Police Station, inaalam na nila ngayon kung bakit pinatay ng suspek ang kanyang nobya na nagtulak naman dito para magpakamatay din.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply