Matayog ang pangarap ni MMDA chairman

NAIS ni Francis Tolentino, chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), na ilipat ang Metro Manila sa probinsiya ng Bulacan o Rizal at gawin itong national capital region.

Hindi masama ang mangarap. Ang sabi nga ng iba, libre ang pangarap, pero sa kaso ni Francis Tolentino, magastos na pangarap ito at ang papasan nito ay hindi si Tolentino kundi ang mga taxpayer ng buong bansa.

Ano ba ang motibo ni Tolentino sa panukalang ito? Ano ba ang kanyang layunin? Masyado na raw masikip ang Metro Manila kaya kailangan na itong ilipat sa mga bayan ng San Rafael at San Ildeponso sa Bulacan o dili kaya ay sa Tanay, Rizal.

Forced evacuation ba ng mga taga Maynila ang gusto ni Tolentino? Nababaliw na kaya si Tolentino. Ang traffic nga sa Edsa ay hindi ma-solve ni Tolentino. Hindi nga niya ma-solve ang baha sa Metro Manila, maghahanap pa siya ng bagong problema.

Hindi kaya alam ni Tolentino na sa San Rafael ay daan-daan na ang namatay dahil sa matinding baha? Ang isa sa mga dahilan ng baha, maliban sa kakulangan ng drainage system, ay ang dam sa Angat na minsan nang naglubog sa San Rafael, San Ildeponso at Baliwag? Ang Tanay ba ay nakaligtas sa matinding baha nitong nakaraang mga linggo?

Bakit hindi niya ilipat ang Metro Manila sa Tagaytay na minsan na siyang naging mayor?

Magbuhat nang matatag ang MMDA ay puro experiment na lang ang ginagawa ng mga namuno sa agency na ito. Lahat sila ay hindi nag-succeed sa kanilang mga experiment.

Ganyan din ngayon si Tolentino, hanggang experiment na lamang. Pa iba-ibang traffic rules ang ginagawa ni Tolentino. Lalo lang nalilito ang mga motorist. Pati na ang mga pedestrian.

Ngayon, matapos ang katakot-takot na kapalpakan sa Edsa at sa Commonwealth Ave., gusto niyang ilipat ang Metro Manila sa Bulacan o sa Rizal. Gusto niyang isa sa dalawang probinsiya ang gawing seat of government ng Metro Manila.

Seryoso si Tolentino sa kahibangang ito. Gumawa nga siya ng libro na ang title ay:  “A New City—A New Metro Manila, A New Future.” Sino naman kaya ang nag publish ng librong ito? Si Tolentino kaya? O mga taong maliapit sa kanya, na maaring ang hangad ay kumita ng limpak-limpak na pera.

Ang National Economic and Development Authority (Neda) ay naglalaan ng P352 billion para sa isang floodway sa Metro Manila at isang dam sa Marikina, at ano ang sinabi ni Tolentino?

“Ibigay na lamang ang pera sa MMDA para sa isang Metro Manila na gusto niyang itayo sa Bulacan o sa Rizal. Mungkahi ni Tolentino: “Why not spend this huge capital investment to build new cities and decongest Metro Manila?”

Kikita ba tayo riyan, mga pare? Baka kayo lang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply