Matindi ang banatan nina John Lloyd at Bea

NAG-EMOTE si Bea Alonzo sa kanyang leading man sa pelikulang “The Mistress” na si John Lloyd Cruz. Wish niyang bigyan daw siya nito ng earrings with two carat diamonds bilang tanda ng kanilang 10th year anniversary as loveteam. Pero mas matindi naman ang hinihinging kapalit ng aktor, kailangan mag-givesung din daw sa kanya si Bea ng condo unit o sasakyan.

Biro lang ‘yun pero malinaw na wala siyang planong bigyan ang dalaga. Ang tanong din dyan, pumayag naman kaya si Angelica Panganiban sa lambing ni Ms. Alonzo sa kanyang dyowa?
Hehehe!

Eh, dito pa lang sa The Mistress ay tiyak na magseselos na ng todo si Angelica dahil matindi pala ang ‘banatan’ dito. Talbog pa nga raw ang naunang blockbuster movie ng Star Cinema na No Other Woman. Kung dito sa nakaraang pelikula ay masyadong na-titillate ang mga ‘mahihilig’, mas matindi ang mararamdaman nila sa bagong proyektong ito ng movie outfit ng ABS CBN.

Ano ba ang ginagawa ng isang kabit para mas lalong ganahan sa kanya ang kanyang benefactor? Natural ibibigay nito lahat ang kaya niyang gawin para hindi mawala si papa at maibigay pa sa kanya ang kanyang mga gusto.

Panoorin ninyo ang The Mistress na showing na sa September 12 sa mga sinehan sa buong Pilipinanas para mapatunayan ninyo sa inyong mga sarili ang aming sinasabi. Sa direksiyon ito ng magaling na direktor na si

Olivia Lamasan.

***

Bea Binene karelasyon ng isang DJ?

KLIYENTE lang daw ni Atty. Ferdie Topacio si Bea Binene at parang anak na lang ang turing niya rito kaya sinusuportahan niya ang dalagita. Sa lahat yata ng kliyente, itong dalagita ang binabayaran ng abogado.

Hehehe!

Anyway, heto nga’t hindi pa matapos-tapos ang isyu sa dalawa, may bago na namang tsismis sa Kapuso talent na itetch. Kesyo may ka-live-in daw itong isang DJ na nagngangalang Papa Dhan ng Barangay LSfm. Itong si Papa Dhan ay nakatira raw kina Bea. Sus ginoo! Ano ba namang papa ito’t nakitira sa ibang bahay.

Malabo nga lang ang kuwento dahil idedemanda raw ng nanay ni Bea ang DJ sa salang pagsunod-sunod at pananakot sa kanyang anak, pero ayaw naman daw ipadampot ni madir ang julakis na ini. Ano kaya ang hiwaga sa likod ng kuwentong ito? Hahaha!

***

Anthony Castelo hirap nang kantahin ang sariling kanta

PUMUNTA kami sa Lucky Chinatown Mall last Sunday, August 25 para suportahan si Paula Bianca sa kanyang mall show. Hataw ang performance ng dalaga na bina-back-up-an ng magaling na banda. Kaya hindi nakapagtatakang dinumog ito ng audience.

Pagkatapos ni Paula ay sumunod na nag-perform si Anthony Castelo. Kalahati sa mga nanonood kay Ms. Bianca ang natira sa una. Marami pa rin namang tao. Nakawawalang gana lang ang pagpiyok ni Anthony sa kanyang mga awitin na obviously ay hirap nang kantahin ang sarili niyang kanta. Payo ng kanyang mga tagahanga, sana raw ay bawas-bawasan nito ang pag-iinom ng alak ng hindi masira nang tuluyan ang kanyang boses.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.co m at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.    

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply