Piolo Pascual, one of the richest actors in the Philippines today!

ILANG milyong beses mo mang lait-laitin si Piolo Pascual sa iyong mga kolum Manang Cristy Fermin, you can never put a got actor down. Kasi naman, kahit na sino pa ang magsulputang actors sa Kapamilya network, iba pa rin talaga ang narating at naging achievement ni Papa P sa ilang dekada nito sa showbiz.

Imagine, nagawa niyang from so so roles ay naging most important at goldmine siya ng ABS-CBN. Yes, this is because of his good looks na mala-Adonis ang dating, husay sa pag-arte at siyempre, sa all-out support na pagbi-build up sa kanya ng istasyon ni Sir Gabby Lopez.

Hindi lang naging sikat na actor si Piolo kundi Platinum Recording Star at sa concert SRO King ang tawag sa kanya dahil lahat ng mga concerts na kanyang ginawa sa Araneta Coliseum (na Smart-Araneta na ngayon) ay napuno nito ang nasabing venue. At dahil magaling humawak sa kanyang finances, andami ng investments ni Papa P. May dalawa na siyang bahay sa Amerika, tatlo rito sa Pinas, kasama ng dalawang unit ng condos riyan sa Kyusi, luxury cars at ilang business.

At lahat ng ‘yan Manang Cristy ay galing sa pag-aartista ni Papa P. unlike you na galing sa pag-e-emote. Huwag kang mag-deny dahil lalo kang magiging chabokan niya’n. ‘Di ba naman Babes?

Kay Papa P pa rin, abangan ang malaking teleserye ng gwapo at Papable na actor na “Apoy Sa Daga” na bale magiging balik tambalan nila ng sikat at controversial na si Angelica Panganiban. Mula ito sa Star TV na siyang may hawak ng pinakasikat ngayon na kilig serye na “Be Careful with My Heart” na naghahari sa daytime ratings and which stars Jodi Sta. Maria and Richard Yap a.k.a. Papa Chen, at ang “Princess and I” nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na siraan man ng siraan ni Manang Cristy ay patuloy ang pagsikat at tinitingala na ngayon bilang bagong matinee idol.

Tumpak and no exaggeration gyud!

***

UP Graduate na si Pauline Grace Ventura na Protege ni Tony Calvento pina-pirate na ng ibang network

AMBILIS ng progress ng UP Graduate at lady broadcaster na si Pauline Grace Ventura na protege at isa sa co- host o Angels ni Sir Tony Calvento sa kanyang daily Public Service and Commentary Program na Hustisya Para Sa Lahat that gets aired Monday thru Friday at 3 to 4 pm on DWIZ (882 khz). Yes, kahit newcomer pa lang si Pauline sa nasabing show ng sikat at nirerespeto sa field ng radio and TV broadcasting na si Calvento na tumatak talaga ang pangalan noon sa kanyang top-rating na Calvento Files sa ABS-CBN 2, pansinin na si Pauline dahil hindi lang siya beauty at talented kundi brainy pa. Ikaw ba naman ang grumadweyt sa UP at UST?

Sa ngayon, may balita kami na may isang TV network na gusto ng i-pirate kay Sir Tony ang nabanggit na personalidad. Ang hindi lang namin masasagot ay kung willing na ba ang kaibigan naming broadcaster at kolumnista ng leading tabloid sa ipaubya sa iba ang kanyang protegee. Pero kung mas ikasisikat naman ni Pauline ito, baka naman payagan siya ng kanyang mabait at very supportive na mentor. Knowing sir Tony, hindi siya selfish na tao. So, kung saan magkakaroon ng progress ang kanyang talent ay pagbibigyan niya ito para mag-grow lalung-lalo na sa isang katulad ni Pauline na talaga namang may “K”. How nice naman gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply