May-ari ng eroplanong sinakyan ni Robredo, grounded na

BOLUNTARYONG nagsuspinde ng biyahe ang may-ari ng bumagsak na eroplano na sinakyan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo.

Grounded na ngayon ang biyahe ng lahat ng mga eroplano ng Aviatour Training Center na may ari ng bumagsak na Piper Seneca private plane na sinasakyan nina Robredo, piloto na si Capt. Jessup Bahinting at student pilot na si Khsitiz Chand.

Inihayag ng Training Director ng Aviatour na si Antonio Joredini na bulontaryo ang kanilang pagsu-suspinde ng 15 eroplano at 12-chartered multi–engine planes matapos ang naganap na trahedya at kasama sa missing ang may–ari ng eroplano na si Capt. Bahinting.

Samantala, ikinalungkot din ng mga local Liberal Party members sa Cebu ang sinapit ng kanilang Executive Vice- President na si Robredo na sa ngayun ay hindi pa rin matagpuan kasama ang dalawa pang biktima.

Umapela ang local LP members sa publiko na huwag munang gumawa ng konklusyon sa kalagayan ngayon ng mga biktima dahil ginagawa ng gobyerno ang lahat ng pamamaraan para mailigtas ang mga biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply