May-ari ng eskwelahan, patay sa pananambang

TODAS ang isang school owner matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang mga suspek habang ang una ay sakay ng AUV sa Caloocan City Miyerkules ng hapon, Agosto 1.

Dead on arrival sa Commonwealth General Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan si Joely Wilson Losaya, 42, ng Miramonte Heigths, Little Baguio.

Base sa ulat, alas-5 ng hapon, sinusubukan ng biktima ang bagong gawang AUV habang sakay ang dalawang katulong pero pagsapit sa Catmon St., Amparo subd., ng lungsod ay hinarang siya at pinaulanan ng mga putok ng mga suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang biktima sa nasabing ospital kung saan nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis upang malaman ang motibo sa pananambang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply