May mananagot sa pagkawala ni Go – NBP

TINIYAK ngayon ni New Bilibid Prison Chief Supt. Richard Schwarzkopf na dapat ay mayroong managot sa pagkawala ni Rolito Go.

Sinabi ni Schwarzkopf  Jr., na kanila nang tinanggal sa pwesto at pinagpapaliwanag ang mga opisyal na direktang may kinalaman sa pagbabantay kay Go.

Hindi rin umano nila tatakasan ang anomang responsibilidad at pananagutan sa usapin.

Siniguro naman ni Schwarzkopf na hindi na nangyayari ang mga napaulat na may ilang inmate na malayang nakalalabas-masok sa piitan na unang nangyari kay Batangas Governor Antonio Leviste.

Kahapon, sinibak na sa puwesto sina Senior Officer 1 Gabriel Magat, Chief Warden ng minimum security camp at Prison Guard 1 Serafin Geronimo, ang prison custodian ni Go.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply