May marble ka ba? Narra? Proyekto?

INILIBING si DILG Secretary Jesse Robredo kanina.

State funeral ang inilatag sa kanya ng pamahalaan.

Sa paglilibing na ito, ang mga pinakamatataas na opisyal ng pamahalaan ang nanguna, kasama ang kanyang pamilya, sa paghahatid sa kanya sa huling hantungan.

Binigyan siya ng pinakamataas na parangal at binalikat ng pamahalaan ang lahat ng gastos ng paglilibing.

Hindi alikabok kundi abo na lamang ang alaalang naiwan mula sa katawan ng isang Uragon sa kanyang pagpanaw.

oOo

Bagama’t wala na sa mundong ito ang manoy ng Kabikulan, pinag-uusapan sa kanyang lamay ang kanilang nadatnan sa pangkaraniwang tahanang kanyang iniwan.

May marble ba, may narra ba o ibang mamahaling sang-kap ng kanyang bahay?

Kung mayroon man, normal lang lahat ngunit walang palatandaan ng mga marble at narra na karaniwang bunga ng pagiging kawatan.

Wala ring palatandaan ng katas ng anomang proyekto.

Ito’y sa kabila ng paghawak ni Robredo sa makapangyarihan at napakakatas na posisyon.

Akalain mo naman kasing walang gobernador at mayor na nagdala ng mga kayamanan sa kanilang lugar bilang handog sa kanilang bosing nang ito’y nabubuhay pa.

Hindi rin nakitaan ang pamilya nito ng biglaang karangyaan na biyaya mula sa mga daang milyong pisong proyekto ng mga lokal na opisyal sa lahat ng sulok ng republika ni Juan.

Ito ang mga mahahalagang ehemplo na iniwan ni Sec. Robredo.

oOo

May isa nang nagsabi na tutularan niya si Robredo, si bagong Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Yung iba, nagsabi rin ng pagtulad sa kanya  habang pinaglalamayan siya.

Sino-sino kaya sa mga ito ang tapat sa kanilang mga sinasabi?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply