May mga kapansanan sa utak dumami pa

MAGSASAGAWA ng pagpupulong ang mga dalubhasang manggagamot sa bansa sanhi na rin sa naitalang pagdami pa ng nagkakaroon ng neurological disorder.

Pangungunahan ng Movement Disorder Society of the Philippines (MDSP) ang kongreso na isasagawa sa bansa na siyang tatalakay sa iba’t ibang suliranin ng mamamayan kaugnay na rin sa  paggalaw o movement.

Sa isinagawang pulong balitaan sa Lungsod Quezon, sinabi ni Dr. Raymong Rosales na tatalakayin sa kongreso ang “genetics, pathogenesis, disgnosis at pag-aalaga sa iba’t-ibang uri ng karamdaman na may kinalaman sa paggalaw o pagkilos.

Una nang ipinahayag ni Dr. Rosales na ang mga sakit kagaya ng Parkinsons diseases, ataxia o ang kawalan ng koordinasyon at mga hindi boluntaryo paggalaw ng mga laman at ang mga hyper at hypokenesia ay mga kundisyong nuerolohiko o may kinalaman sa utak.

Nakaaapekto ang mga nurolohikal na kondisyon sa bilis, kalidad ng paggalaw, at fluency ng isang tao.

Pahayag ng grupo, makatutulong ang kongreso upang magkaroon ang mamamayan ng tamang kaalaman sa pangangalaga at pagtugon sa mga nabanggit na problema.

Gaganapin ang kongreso sa Philippine International Convention Center  (PICC) simula Agosto 24 hanggang Agosto 26.

Inaasahang darating at makikilahok sa Kongreso sina Dr. Hubert Fernandez (USA), Dr. Soccoro Martinez ng Pilipinas, Ryuji Kaji ng Japan, Eng King Tan (Singapore), Chrisyine Klein (Germany) Gerard Salazar (Philippines) Kenneth Tan ng Philippines, Beon Jeon (Korea) Barry Snow ng New Zealand, Peter Moore (UK) Oksana Suchowersky ng Canada, Dr. Gunther Deuschi na kasalukuyang pangulo ng pandaigdigang Movement Disorder Society.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply