May sakit sa pag-iisip, ginahasa ng kagawad

GINAHASA ng isang barangay kagawad ang isang ginang kahit may diperensya sa pag-iisip sa bayan ng Bani, Pangasinan nitong Miyerkules ng gabi  (Agosto 22) .

Nakaditine na sa Bani detention cell  at nakatakdang sampahan ng kasong rape ang suspek  na si Richard Dakuna, ng San Miguel sa nasabing bayan.

Sa ulat na nakarating sa camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 10 nitong Miyerkules ng gabi sa loob mismo ng bahay ng biktima.

Bago ito, iniwan ng kanyang mga anak ang biktima pero nang magbalik at nahuli sa akto ang suspek na walang pantalon at nakapatong sa kanilang nanay.

Sinunggaban naman ng isa sa mga anak ang suspek at dinala sa presinto para ipakulong.

Sa ginawang medico legal examination sa biktima, lumalabas na positibo itong hinalay.

Samantala, kahit bistado ay itinanggi naman ng suspek ang paratang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply