Maynila aminadong hirap sa tambak na basura

AMINADO ang pamahalaang lungsod ng Maynila na hindi nila kinaya ang tambak ng basura na tumabon sa mga lansangan kasunod ng ilang araw na pananalasa ng ulan dala ng hanging Habagat na naglubog sa halos 60 porsyento ng Kamaynilaan.

Ayon kay Manila Department of Public Service Chief Col Carlos Baltazar, responsable sa paghahakot sa tinatayang mahigit sa 12,600 na tonetoneladang basura na itinambak sa mga lansangan bunsod ng ilang araw na pag-ulan at pagbaha kinapos siya ng man power kaya kinailangan ang tulong ng 200 tauhan ng DPS para magboluntaryo sa paghahakot ng basura kasama ng mga tauhan ng Leonel Waste Management.

Nabatid na mula sa dating 200 truck ng basura na naglalaman ng siyam na toneladang compresed garbage bawat isa na regular na hinahakot araw-araw ay umakyat ito sa 12,600 tonelada kaya kinakailangan magsagawa ang DPS at Leonel ng 1,400 trips para ganap na malins ng lungsod ng Maynila sa basura.

Napag-alamng hiniling ni Baltazar sa pamunuan ng Leonel Waste Management na magtalaga ng karagdagang tao bukod pa sa dagdag na mga truck upang matapos niya ang kanyang trabaho nang mabilis partikular na sa mga main street.

Sinabi pa ng opisyal na pinalala ng Habagat ang kanilang problema sa basura dahil mula sa mga normal waste at garbage na itinatapon at nakakayang idaan sa compacting machine ay tumbak ang mga hindi regular o hindi pangkaraniwang uri ng basura gaya ng mga sirang appliances, kama, aparador at iba pang malalaking bulto na hindi kayang siksikin sa mga truck at maayos na madala kanilang garbage transfer station sa Pier 18.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply