Mayor Cayetano nanawagan ng pagkakaisa

TAGUIG CITY – Nanawagan si Taguig City Mayor Lani L. Cayetano sa konseho nito magkaisa para maisulong ang ‘unanimous decision’ na isailalim sa “state of calamity” ang lungsod na dumanas ng matinding perwisyo sa tubig baha bunsod patuloy na pag-ulan na hatid ng hanging habagat.
Naniniwala si Cayetano na ang pagkakaisa ng konseho ay angkop na hakbang para agarang matulungan na muling makabangon ang libong bilang ng mga pamilya na labis na nasalanta ng delubyo, partikular na ang mga mamamayan na nanninirahan sa coastal barangays na kinabibilangan ng Bagumbayan, Lower Bicutan, Hagonoy, San Miguel, Wawa, Bambang, Ususan, Sta. Ana, Tipas, at Napindan.

Ayon kay Cayetano, marami ang nangangailangan ng agarang aksyon dahil marami ang nawalan ng tahanan at dumanas ng ‘di matatawarang pangamba, gutom, kahirapan sa pamumuhay at sakit.

Ang halagang gugugulin sa mga nasalanta ay magmumula sa calamity fund ng Local Government Unit (LGU) ng naturang lungsod.

Samantala, kaugnay pa rin ng nakalipas na delubyo, unang naghatid ng relief goods sa laksang bilang ng mga naapektuhan ay si SP 2nd District Member Michelle Anne B. Gonzales na tumawid ng baha patungo sa 1st District ng Taguig, habang nagsagawa naman ng rescue operations ang AFP-PA ng Fort Bonifacio kung saan ay inilikas ng mga ito ang mga na trapped na mamamayan sa ligtas na lugar.

Tumulong din ang PNP at DSWD sa paghahatid ng mga assorted goodies sa mga nasalanta.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply