Mayor Lim iwas sa isyu ng DILG post

UMAPELA ngayon si Manila Mayor Alfredo S. Lim sa mga grupong nanghuhula sa posibleng hihirangin ni pangulong Noynoy Aquino na papalit sa yumaong DILG Secretary Jesse Robredo na tigilan na ang mga espekulasyon higit sa lahat ang pagpapalutang sa kanyang pangalan na kasama sa mga pinagpipilian.

Ito ang paki-usap ni Lim ng kapanayamin bago sumama  sa mag Metro mayors, cabinet officials, military and airport officers sa pangunguna ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager ret. Gen Jose Angel Honrado, sa pagkakaloob ng arrival honors para kay Robredo nang dumating ang labi nito bandang alas  10:30 ng uamga at ituloy sa Villamor Air Base bago dalhin naman sa  Malacanang.

Kasama si Lim sa funeral convoy na naghatid sa flag-draped coffin ni Robredo sa  Malacanang.

Ayon kay Lim:”It is highly unethical and in very bad taste to discuss matters such as Robredo’s possible replacement at a time when the nation is in mourning for having lost a good ranking official.”

Kaugnay nito nilinaw ng alkalde na hindi siya interesado sa nasabing puwesto. Sa halip ay manantili lamang siyang magsisilbi sa mga residente ng Maynila na patuloy na sumusuporta sa kanya at nagbigay ng napakalaking mandato nitong nakaraang dalawang eleksyon at patuloy pa ring sumusuporta sa kanyang administrasyon.

“Hindi ko maintidihan kung bakit may mga taong puro pansariling interes lang ang inaatupag. Nagluluksa ang mga Pilipino, ang pamilya, mga katrabaho, kaibigan at supporter ni Sec. Jesse tapos ‘yung iba naman, abala sa intrigahan kung sino ang papalit sa kanya. Hindi maganda kaya dapat tigilan na `yan,” ani Lim.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply