Mayor Lim: Maynila, back to normal na!

TINIYAK ni Manila Mayor Alfredo Lim na “back to normal” ang Lungsod ng Maynila sa loob ng 24 oras dahil isinasagawa ngayon ang malawakang mopping-up operations at rehabilitasyon ng nasirang daan sa buong lungsod.

Sa panayam matapos bumisita sa Bo. Obrero Elementary School sa Tondo, Maynila, sinabi ni Lim na kasalukuyang isinasagawa ng pamahalaang lungsod ang paglilinis ang lansangan na binaha kabilang ang mga baradong drainage system sanhi ng basura.

“We are doing our best effort to make our lives in Manila back to normal within 24 hours as massive mopping up operations and rehabilitations on road submerged to floods are underway, “ ayon kay Lim.

Sa kasagsagan ng pagbaha, ginamit ng residente ng Bo. Obrero, Tondo, Maynila ang naturang paaralan bilang evacuation center matapos lumubog sa baha ang kabahayan sa tabi ng rlies na malapit sa Estero de Pajo sa Tondo.

Kasunod nito, sinabi pa ni Lim na maaari nang daanan ang Recto underpass at Lagusnilad sa tapat ng Manila City Hall matapos mahigop ang tubig-baha sa naturang lagusan.

Isinasagawa din ngayon ng Maynila ang ilang precautionary measures sa naturang lagusan upang hindi na maulit ang katulad na pangyayari.

“It has been dried up. Now we are doing precautionary measures to avert similar incident in the future,” ayon kay Lim.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply