Mayor ng Camiguin biktima ng bukas kotse

HINDI nakalusot ang isang municipal mayor ng Camiguin nang mabiktima ng hinihinalang miyembro ng Bukas Kotse gang nang ito ay bumisita sa Cagayan de Oro City.

Ayon sa imbestigasyon ng awtoridad, ipinarada lamang ni Mayor Gelenio Abecia ang kanyang sasakyang Isuzu trooper sa tapat ng isang tindahan upang bumili ngunit pagbalik nito sa lugar ay laking gulat na lang niya nang makitang bukas ang kanyang sasakyan at nakuha ang kanyang laptop na nagkakahalaga ng P40,000.

Kaagad namang ipinagbigay-alam ng mayor ang pangyayari sa pinakamalapit na police station na ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon at paghahanap sa posibleng may kagagawan ng krimen.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply