Mayors sa Maguindanao pinagpapaliwanag ng DILG

NAGPALABAS ng show cause order si Interior and Local Government Secretary Jesse M. Robredo laban sa limang alkalde mula sa Maguindanao dahil sa umanoy pag-abandona ng mga ito sa kanilang mga puwesto matapos silang pagbantaan umano ng mga rebeldeng Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM) na pinamumunnuan ni Ameril Umbra Kato na sasalakayin ang kanilang mga bayan noong Linggo ng umaga.

Sa limang araw na sagupaan, walo katao ang iniulat na napatay na kinabibilangan dito ng apat na sundalo at apat na sibilyan nang magkasagupa ang BIFM at Army sa mga bayan ng Guindulungan, Datu Saudi Ampatuan, Datu Unsay, Datu Hoffer, pawang nasa Maguindanao lahat .

Binigyan ni Robredo ng hanggang limang araw ang mga alkalde na sagutin ang reklamo kung bakit hindi sila dapat kasuhan ng abandonment of post matapos siyang makatanggap ng ulat na wala na sa kanilang tanggapan ang mga nasabing Akalde dahil sa umano’y takot sa bantang pagsalakay ng grupo ni Kato sa kanilang mga bayan.

Kabilang sa inisyuhan ng show cause orders sina Mayor Bai Zandra Sinsuat Ampatuan ng bayan ng Saydona; Mayor Bai Reshal Santiago Ampatuan ng Datu Unsay; Mayor Bai Bongbong Midtimbang Ampatuan ng bayan ng Datu Hoffer ; Mayor Datu Saudi Sheam II B. Ampatuan ng Saudi Ampatuan; at Vice-Mayor Kanor D. Ampatuan ng bayan ng Salibo.

Si Vice-Mayor Kanor D. Ampatuan ay itinalaga bilang Alkalde ng bayan ng Salibo kapalit ni elected Mayor, Akmad Ampatuan, matapos itong magtago ng tatlong buwan matapos itong isyuhan ng warrant of arrest ng korte sa Midsayap, North Cotabato matapos siyang isangkot ng panibagong testigo sa karumal-dumal na Maguindanao Massacre. Noong Nov. 2009 ”

“We have received reliable information that said local chief executives were not in their respective towns when Kato’s men perpetrated the attacks. Most of them are said to be holding offices-cum-residences in Cotabato City,”ani Robredo.

Si Kato, Saudi-trained cleric at dating hepe ng Moro Islamic Liberation Front’s (MILF’s) 150th Base Command, ay inalis sa roster dalawang taon na ang nakalilipas dahil sa pagiging abusado nito.

Ang pag-atake ng grupo ni Kato sa mga nasabing bayan ay bilang pagganti sa mga militar ng makasagupa ng mga ito noong June 21 na ikinasawi ng tauhan nilang si Mohammad at 9 na iba pang tauhan nito ng makasagupa ang Army’s Special Forces sa Bgy. Kabembeng, Sumisip, Basilan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply