M’cañang: Marami pang aayusin vs kalamidad

INAMIN ng Malakanyang na marami pang kailangang ayusin sa pagtugon ng pamahalan sa kalamidad tulad ng bagyo at pagbaha.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, iba na ang panahon at marami ang kailangang baguhin sa nakagawiang sistema ng rescue and relief operations.

Matatandaang, sa kabila ng pagpupursige ng gobyerno, nakapagtala pa rin ng 66 na patay at siyam ang nawawala sa pananalasa ng Habagat.

Ani Valte, bagama’t nag-improve na ang abilidad ng ibang local government units (LGUs) sa rescue operation ay marami pa rin ang nangangapa lalo na iyong mga hindi karaniwang binabaha noon.

Kasalukuyang naghahanap ang pamahalaan ng permanenteng solusyon para maibsan na ang casualty kapag may kalamidad.

Siniguro naman ngayon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na sapat pa ang relief goods ng gobyerno sa ilang araw na pananatili ng libu-lbong mga pamilya na apektado ng mga pagbaha sa National Capital Region (NCR) at mga karatig na lalawigan.

Tinuran ni NDRRMC Executive Director Benito Ramos, nasa 598,622 pamilya pa ngayon ang sinusuportahan ng pamahalaan na hindi pa nakakabalik sa kanilang lugar matapos lubusang sinira ng mga pagbaha ang kanilang mga tahanan.

Ani Ramos, walang “food shortage” sa mga pagkain ng mga inilikas na mga residente kaya’t hindi pa umano kailangan ang tulong mula sa ibang bansa bagama’t marami na ang nagkumpirma ng tulong mula sa ibang bansa.

Pinalagan nito ang balitang kinakapos na ang mga apektadong residente na tinutustusan ng pamahalaan sa mga evacuation centers.

Sa ngayon, kabilang sa mga binabaha pa ang Camanava are (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela) at Bulacan na tinututukan ng pamahalaan.

Kaugnay nito, sinabi ni Valte na mayroong pang pondo ang pamahalaan para sa mga biktima ng kalamidad.

Ani Usec. Valte na pumapalo pa rin sa P5.95 billion ang calamity fund ng gobyerno.

Bukod pa aniya sa calamity fund ay mayroon pang tinatawag na quick response funds na naipalabas na.

“So meron pong quick response fund ‘yung Department of Agriculture, ‘yung Department of Education, ‘yung Department of Health, ‘yung DND po natin, at saka ‘yung—papunta po ‘yon doon sa Office of Civil Defense doon DPWH, at sa DSWD. Kapag in-add po natin lahat nung quick response funds that our agencies have—’yung mga binaggit ko po—umaabot po ‘yan ng P2.989 billion. So ito po ‘yung mga ginagamit ng ating mga departamento para naman po makapag-provide ng relief assistance doon sa mga nasalanta po noon dumaang habagat,” anang opisyal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply