Meat smuggling, iimbestigahan na rin ng senado

KASABAY ng pagpapalawig ng Senado sa kanilang imbestigasyon kaugnay sa rice smuggling sa bansa, target naman ngayon ang pagsisiyasat sa P16 bilyon halaga ng “hot meat” sa nagdaang mga taon.

Ang naturang imbestigasyon ay isinusulong ni Sen. Francis Pangilinan, chairman ng Senate Committee on Food and Agriculture, matapos makatanggap ng ulat na P5 bilyon kita ng gobyerno ang nawala dahil sa meat smuggling.

Ang gagawing imbestigasyon ay kaugnay sa inihaing reklamo noon ng Swine Development Council hinggil sa talamak na meat smuggling sa bansa.

Batay sa pag-aaral ng SDC, lumalabas na mahigit 54-milyong kilo lamang na imported na karne ng baboy ang naitala sa Bureau of Animal Industry (BAI) mula sa kabuuang imported pork meat na mahigit 164-milyong kilo na aktuwal na pumasok noong 2011.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply