Mega dikes sa Marikina River, Laguna de Bay, itatayo ng gobyerno

MAGTATAYO ng mega dikes ang gobyerno sa Marikina River at Laguna de Bay mula sa P352 bilyong national flood control funds upang tuluyan nang maiwasan ang pagbaha sa Kamaynilaan.

Sa panayam ng radio nitong Linggo, sinabi ni Sen. Franklin Drilon, chairman ng Senate committee on finance, na maaaring pondohan ang naturang proyekto mula sa Official Development Assistance (ODA) at concessional loans mula sa South Korea at Japan.

“Ang pangmatagalang solusyon tulad ng dike sa Marikina River at Laguna de Bay na mas kailangan natin ngayon. Iyan ang plano ng pamahalaan sa aking pagkakaalam,” sabi ni Drilon.

Ayon kay Drilon, kailangan nang lutasin ng gobyerno ang problema sa malawakang pagbaha sa pamamagitan ng pagtatayo ng impraestrukturang na magsisilbing pangmatagalang solusyon tulad ng meda dikes sa naturang lugar.

“We need to solve our problem on flood, we need a long term solution what Public Works Secretary Ronald Singson is saying that doon pa lamang sa bundok, kailangan harangin na ang tubig-ulan upang hindi na bumaba sa Kamaynilaan at kailangan magtayo tayo din ng dike sa Laguna de Bay,” giit ni Drilon.

Sinabi pa ni Drilon na bahagi ang naturang mega dikes ng P352 bilyong national flood control project na sinisipat ng administrasyon na kukunin sa ODA at concessional loan na ibinibigay ng South Korea at Japan.

“I think we need around P352 billion national flood control project which can be source from the ODA and concessional loan from South Korea and Japan which has expressed their intention to help us to fund the national flood control project, including the construction of mega dikes in Marikina River and Laguna De Bay,” paliwanag ni Drilon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply