Membership ng ADMU sa CEAP, di pwedeng bawiin

HINDI umano maaaring bawiin ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang membership ng Ateneo de Manila University (ADMU) sa kanilang organisasyon o ipawalang-bisa ang Catholic identity nito dahil lamang sa pagsuporta ng ilang professor nito Reproductive Health (RH) bill, na taliwas sa official stand ng Simbahang Katoliko na mariin naman ang pagtutol sa naturang panukalang batas.

Nabatid na ang CEAP, ang samahan ng mga Catholic schools sa bansa, ay may 1,345 miyembrong Catholic schools sa buong bansa, kabilang ang ADMU. Boluntaryo rin umano ang membership sa naturang samahan.

Ayon kay CEAP president Fr. Gregg L. Bañaga, Jr., C.M., na siya ring pangulo ng Adamson University, maaari lamang i-reprimand o magpatupad ng sanction ang kanilang samahan sa mga miyembro nito na bigong gampanan ang kanilang tungkulin tulad nang hindi pagbabayad ng dues.

Iginiit rin ni Bañaga na ang mga Obispo lamang ang tanging may kapangyarihang bumawi ng Catholic titles ng mga Catholic schools.

“It is only the bishops who can revoke a school’s identity as Catholic but not CEAP. CEAP, for its part, can only reprimand its members if they fail to fulfill their duties like paying their dues, among others,” pahayag pa ni Bañaga, na siya ring pangulo ng Adamson University.

Ang paglilinaw ay ginawa ni Bañaga kasunod ng tensiyon sa pagitan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at ng Jesuit administrators ng ADMU dahil sa tahasang pag-endorso ng ilang professor ng unibersidad sa pagpapasa sa RH bill, na mariin namang tinututulan ng simbahan.

Kasabay nito, iginiit rin ni Bañaga na suportado ng CEAP ang dissenting position ng CBCP laban sa panukalang batas.

Gayunman, inamin rin ng CEAP president na hindi lahat ng kanilang miyembro ay hindi tutol sa RH bill at sumusuporta sa mga amendments ng batas upang maging katanggap-tanggap ito.

“Officially, CEAP supports the bishops because Catholic schools are under the bishops’ leadership. But individually, some of us may differ with them,” aniya pa. “Some support an amended RH bill. Perhaps if we infuse some amendment or alter those provisions that are ambiguous, then the RH bill could be acceptable.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply