Mensahe para kay Robredo bumaha sa social networking sites

PINUPUTAKTI ng mensahe ng pakikiramay kay Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo sa mga social networking site.

Bumaha ng mensahe ng pakikisimpatiya makaraang marekober ang bangkay ng kalihim na mahigit 48 oras na nakababad matapos bumagsak ang sinakyang Piper Seneca plane sa karagatan ng Masbate.

Maliban sa mga Gabinete at mga opisyal ng bansa, at mga tv personality, maging mga karaniwang mamamayan ay nakikiluksa at nagbibigay ng pahayag ng panghihinayang sa maagang pagkamatay ng kalihim.

“Reading about d life of Sec. Robredo. Very upright and selfless public servant. May your story live on & inspire! RIP Sec,” ayon sa tweet ng basketball player at TV personality na si Chris Tiu.

Para sa Twitter user na si “@KtineRegala,” isang mabuting lider si Robredo.

“Rest In Peace Sec. Jesse Robredo, Such a good leader. Condolence. #salamatjesse,” ang tweet ni @KtineRegala.

Naging trending topic kaagad sa social networking site na Twitter ang trahedyang sinapit ng DILG secretary.

Nasa top trending topic sa Pilipinas ang hashtag na “RIP Sec” habang pangatlo naman ang “salamat jesse” hashtag.

Pang-apat naman sa worldwide trends ang hashtag na “RIP Sec” patunay ng maraming nagmamahal sa opisyal na para sa mga Pinoy ay larawan ng isang ulirang public servant.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply