Meralco, nag-abiso sa publiko para maiwasang makuryente

NAGLABAS na ng abiso ang pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco)

sa publiko upang maiwasan ang mga insidente na mabiktima ng kuryente bunga ng patuloy ang pagbaha dulot ng makas na pag-ulan.

Batay sa abiso ni Meralco External Affairs Head Dina Lomotan, marapat na malinis at tuyo ang mga electrical sockets para masigurong walang makukuryente sa sinumang magsasaksak ng anumang appliances dito.

Dapat umanong patayin ang mga ang main switch at tiyakin na mayroong proteksyon para hindi magdaan ang kuryente sa hahawak nito.

Kaugnay nito, ilang insidente na ang naitala at ilan na rin ang namatay matapos makuryente dahil sa basang outlets.

Sakaling mangailangan ng tulong kaugnay nito, mag-text o tumawag lamang sa Meralco hotline na 0920-971-6211 at 0917-551-6211.

Sa kasalukuyan, pinag-aaralan pa ng Meralco kung anong mga lugar ang pansamantalang puputulan ng kuryente dahil lubog na ang kanilang bahay bunsod ng mataas na tubig baha.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply