Metro Manila binaha dulot ng malakas na ulan

BINAHA ang ilang bahagi ng Metro Manila dulot ng malakas na pag-ulan kagabi.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), umabot hanggang baywang ang tubig sa Commonwealth Avenue, sa Quezon City partikular sa West at Eastbounds ng Doña Carmen Street.

Hanggang tuhod naman ang baha sa Winston Street at west bound ng Palmera Street.

Una ng sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na asahan na ang matinding buhos ng ulan dulot ng Southwest monsoon o habagat sa malaking bahagi ng Metro Manila.

Binalaan din ng PAGASA ang mga residente sa mga mababang lugar at malapit sa ilog o estero sa posibleng pagbaha.

Kaugnay nito, nalubog din sa baha ang ilang bahagi ng Makati City at Pasay bunsod ng malakas na ulan.

Ayon sa MMDA, hindi nadaanan ng mga sasakyan ang kanto ng Pasong Tirad at Maria De La Paz Streets dahil sa abot tuhod na tubig.

Umabot din hanggang tuhod ang baha sa Aranda, Yague, Ponte at Mascardo Streets.

Samantala, di rin madaanan ang bahagi ng Taft Avenue, Libertad at F.B. Harrison dahil sa tubig baha.

Una ng sinabi ng PAGASA na asahan na ang matinding buhos ng ulan dulot ng southwest monsoon o habagat sa malaking bahagi ng Metro Manila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply