Metro Manila, binayo na ng habagat, nilindol pa – Phivolcs

HABANG binayo pa ng walang humpay na malakas na pagbuhos ng ulan dulot ng hanging habagat o southwest monsoon, niyanig pa ng magnitude 5.3 na lindol ang ilang bahagi ng Luzon nitong hapon.

Kabilang sa mga nakaranas ng pagyanig ay ang Metro Manila at mga karatig na lalawigan.

Natukoy ang epicenter nito sa 42 kilometro sa hilagang kanluran ng Lubang Island sa Occidental Mindoro.

Naramdaman ito bandang ala-1:03 ng hapon.

May lalim itong 31 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Wala namang inaasahang aftershocks ang naturang lindol.

Base sa impormasyon ng Phivolcs, walang nasaktan sa naitalang pagyanig.

Hindi naman masabi pa ng Phivolcs kung may kaugnayan ang lindol sa tuloy- tuloy na pagulan na nararanasa ngayon sa Luzon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply