Metro Manila lumulubog na dahil sa basura, fishponds

MALAPIT nang mabura sa mapa ang buong Metro Manila dahil sa pagtatayo ng mga fishpond at nagtambak na basura dito.

Ayon sa ginawang pag-aaral ni Dr. Fernando Siringan ng University of the Philippines (UP) Marine Science Institute kahit na dalawang linggo na ang nakalipas mula ng manalasa ang Habagat sa malaking bahagi ng Luzon ay lubog pa rin sa baha ang ilang lugar tulad ng Bulacan at Camanava area (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela).

Iginiit ni Siringan na isa sa mga dahilan ng palagiang pagbaha sa kalakhang Maynila ay ang talamak na pagpapatayo ng iligal fishponds sa mga kalapit na probinsya.

Sinabi pa ni Siringan ng lumulubog ang Metro Manila lalo na ang Malabon, ng ilang sentimetro kada taon at tumataas naman ang sea level ng hanggang isang sentimetro bawat taon dahil sa global warming.

Dagdag pa nito, hindi naman talaga nakatutulong ang dredging activities ng pamahalaan sa mga ilog dahil punong-puno naman ang mga ito ng basura.

Darating umano ang panahon na mabubura na sa mapa ang buong Metro Manila dahil sa kapabayaan ng mga tao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply