Mga ahensya ng gobyerno nagluksa sa pagpanaw ni Robredo

NAKIRAMAY ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa pagkamatay ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo.

Sa hanay ng Philippine National Police (PNP), inilagay na ang mga bandila nito sa half-staff bilang pagluluksa sa pagkamatay ng kanilang pinuno.

Ganito rin ang iniutos ni Manila Mayor Alfredo Lim at ng Bureau of Fire Protection (BFP), na ang dalawang ahensya ay kapwa nasa ilalim ng pamunuan ng DILG.

Isa-isa ring nagpahayag ng kalungkutan sina Senador Kiko Pangilinan, Senador Pia Cayetano, Senador Ping Lacson, Senador TG Guigona, at iba pa, na ngayon ay tila gulat pa rin sa natanggap na masamang balita.

Sa isang mensahe, sinabi naman ni Justice Secretary Leila De Lima na hindi pa rin siya makapaniwala sa pagyao ng kaibigan.

Nagpahayag din ng pakikiramay si Atty. Gleo Guerra, sa ngalan ng buong hanay ng hudikatura sa bansa.

Ayon naman kay National Police Commission (Napolcom) Vice Chairman Eduardo Escueta, malaking kawalan si Robredo sa bansa.

Si Robredo, ay ang awtomatikong chairman ng Napolcom dahil sa pagiging DILG secretary nito.

Ayon kay Escueta, magsasagawa ng isang misa bukas sa Roces Hall ang ahensya para sa kanilang boss, at pansamantala munang isinara ang opisina ng yumaong kalihim sa tanggapan ng Napolcom.

Nagpahayag din ng pakikiramay ang iba’t ibang ahensya tulad ng Department of Education (DepEd), Department of Health (DOH) sa kani-kanilang Twitter account.

Martes ng umaga nang kumpirmahin ni Transportation and Communications Secretary Mar Roxas na natagpuan na ang bangkay ni Robredo sa fuselage ng eroplanong sinakyan nito kasama ang aide na si Jun Abrazado, Captain Jessup Bahinting at Nepalese co-pilot Kshitiz Chand.

Sabado ng hapon nang bumagsak ang naturang Piper Seneca plane sa karagatang sakop ng Masbate.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply