Mga anak ng OFWs bigyan ng ‘family atmosphere’ – obispo

HINIKAYAT ni Manila Archbishop Luis Antonio Tagle ang mga organisasyon, eskuwelahan at at iba pang grupo na bigyan ng pagpapahalaga bilang kapamilya ang may anim na milyon anak ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na malayo sa kani-kanilang mga magulang.

“I think it is the responsibility of organizations, schools, even the ‘barkadas’, the BECs to provide some family atmosphere, a home where these persons can be built up, so they will not feel that they are homeless,” paliwanag ni Arch.Tagle sa halos 300 kataong dumalo sa Family Congress 2012 na ginanap kahapon.

Ayon kay Tagle, kahirapan ang dahilan ng pangingibang bayan ng mga OFW na nagiging malaking dahilan naman upang ang mga kabataan o kanilang mga anak ay hindi magabayan ng mabuti ng kanilang mga magulang.

T‌inukoy ni Tagle na sa pag-aaral ng Asia Policy Center, ang mga kabataan na kakaunti ang natatanggap na pagpapahalaga sa kanila ay mga maagang nakakapag-asawa, gumagamit ng droga at biktima ng physical o sexual abuse.

Binigyan diin ng Arsobispo na sa pamamagitan ng organisasyon, schools at komunidad ay mabibigyan ng ‘family atmosphere’ ang mga kabataang walang gabay ng kanilang mga magulang dahil sa pagtratrahabo sa ibang bansa.

Dumalo naman sa Family Congress 2012 na inorganisa ng Love Institute ang Miriam College, College of the Holy Spirit, STC Family Council, individual bloggers, the Balay Pag Inupdinay Foundation, gayundin ang Diocese of Cubao.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply