Mga artista may kanya-kanyang kwento rin sa baha

MAGING ang mga celebrity natin sa bansa ay may kanya-kanyang karanasan sa hagupit ng Habagat na nagdala ng matinding pag-ulan nitong nakalipas na araw.

Taga-Goodwill Subdivision, Novaliches pala ang young actor na si Hiro Magalona na isa sa matinding binaha noong kasagsagan ng walang tigil at malakas na ulan.

Ayon kay Hiro, sa loob lang ng ilang minuto ay nasa five feet na ang taas ng tubig sa kanilang lugar.

Walang naisalbang gamit ang kanyang pamilya dahil inuna nilang iligtas ang kanilang mga buhay. Lulan ng kanilang dalawang sasakyan ay agad silang lumikas sa kanilang bahay kasama ang kanilang grand parents.

“Wala kaming nailigtas kasi inuna muna namin yung sarili namin. Ayaw na nga ng lolo at lola kong bumalik dun, medyo na-trauma sa nangyari. Nakita kasi nila ang pagtaas ng tubig,” wika ni Hiro.

Sa ngayon, di pa alam ng young actor kung babalik pa sila sa binaha nilang bahay. Nanunuluyan muna sila sa kanilang kamag-anak.

Maging ang ilang mga sikat na celebritiy gaya nila Kris Aquino, Angel Locsin, dyowang si Phil Younghusband, Iza Calzado at Anne Curtis ay lumusong sa baha at tumulong na magbalot ng relief goods para sa mga biktima ng baha.

Kahit ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez ay binuksan ang kanilang tahanan at nagbahagi ng blessings sa mga kapitbahay na naapektuhan ng baha.

Ipinakita sa telebisyon na pinakain nila ang mga kapitbahay ng mismong luto ni Mariel.

Si Kristeta naman ay kasama ng kanyang Kuya na si President Noynoy na bisitahin ang mga biktima ng baha sa ilang lugar sa Metro Manila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply