Mga Bulakenyong artista sa Gawad Maharlika 2012

IPINAHAYAG ni Atty. Nympha Aquino na bibigyan ng Gawad Maharlika 2012 sina Vice Gov. Daniel Fernando, Kon. Alfred Vargas, Jake Vargas, Melissa Ricks, Chona Velasquez, Jamie Rivera at Iba pa. Sa public servants naman ay sina Mayor Christian Natividad ng Malolos at Mayor Ferdie Estrella ng Baliwag.

Most Outstanding Board Member of Bulacan si Bokal Toti Ople at si Dr. Ramon de Jesus ng Baliwag ang Munting Bayani ng Bulacan. Congrats po sa Gawad Maharlika 2012.

***

NAGPASALAMAT naman ang mga fans ni Dr. Hayden Kho dahil sa pagbasura sa kaso nito. Taas noo ang mga fans sa pagka-absuwelto ng kanilang Idolo. Magko-concentrate na raw sa showbiz si Dr. Hayden sang-ayon sa kanyang mga fans.

***

Tuloy si Kuya Ipe – Mayor Natividad

IPINAHAYAG ni Mayor Christian Natividad ng Malolos na tuloy raw ang paglaban ni Philip Salvador sa pagka-Vice Gov. ng Bulacan. Dumalo si Mayor Christian sa party ni Kuya Ipe at ito raw ang iiendorso ng mga kapwa artista. Hayag si Mayor Christian na kaibigan niya si Kuya Ipe.

***

Forever loyalist of Vice Gov. Daniel Fernando

IPINAHAYAG ni Ariel Cunanan na sila ang Forever Loyalist of Daniel Fernando. Very active ang mga Loyalists ni VG Daniel at talagang ipaglalaban nila ang kanilang Idolo. Sa latest survey ay sigurado pa rin sa pwesto si Vice Gov. Daniel AT Lalong dumarami ang Forever Loyalist of Vice Gov. Daniel Fernando.

***

Coco Martin, natalo ni Paulo Avelino sa award

IPINAHAYAG Atty. Nympha Aquino na natalo ni Paulo Avelino si Coco Martin sa kanilang Most Outstanding Actor Award para sa Gawad Maharlika. Nabatid naming si Paulo Avelino ang paborito ng mga Bulakenyo. Bukod kay Paulo, pararangalan rin sina VG Daniel, Alfred Vargas, Jake Vargas, Chona Velasquez, Jamie Rivera at iba pa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply