Mga evacuee sa QC nagkakasakit na

NAGKAKASAKIT na ang ilang mga residente na nagsisiksikan sa evacuation centers sa Bagong Silangan, Quezon City, lalo na ang mga bata.

Sinabi ni Dr. Joel Paulino, barangay health supervisor, kabilang sa mga sakit na nakikita nila sa mga bata ay ubo, sipon, alipunga, at pagtatae.

High-blood pressure naman ang karaniwang sakit ng mga matatanda, ayon kay Paulino.

Dagdag pa ni Paulino, ang patuloy na siksikan sa evacuation center ay isa sa nagpapalala sa sitwasyon dahilan sa pagkakahawa-hawa at pagkakasakit ng mga nagsilikas sa mga evacuation centers.

Ang klima ay isa ding dahilan kung bakit madaling magkasakit ang mga bata, ayon kay Paulino.

Tinitiyak naman ng Quezon City Health Office, pati na rin ng barangay health center, na mapipigilan nila ang pagkalat ng mga sakit sa evacuation center.

 

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply