Mga kabahayan nilamon ng apoy sa Caloocan

INAAPULA ng mga pamatay sunog ang apoy na tumupok sa mahigit dalawampung kabahayan sa Barangay-8, Dagat-Dagatan, Caloocan City kaninang umaga.

UMABOT sa 20 kabahayan ang tinupok ng apoy sa naganap na sunog sa Caloocan City kaninang 12:30 ng tanghali.

Sa ulat, nagsimula ang sunog sa kabahayan sa Sabalo St., ng lungsod at agad na nadamay ang mga kalapit bahay.

Tumagal ng kalahating oras ang sunog na umabot sa ikatlong alarma.

Iniimbestigahan pa kung ano ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang halaga ng mga tinupok ng apoy.

Inaalam na rin kung may nasawi o nasaktan sa nasabing insidente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply