Mga kalansay nahukay sa itatayong supermarket

BUMULAGA sa mga construction worker ang maraming kalansay ng tao sa kanilang hinuhukay na bakanteng lote na pagtatayuan ng isang supermarket sa Laoag City kaninang umaga.

Nahukay ang mga buto ng tao na ang ilan ay may ngipin pa sa ilalim ng lupa sa dating Ilocano Heroes Memorial Hall dakong alas-8:00 ng umaga na sumailaim sa rehabilatasyon para sa itatayong Hypermart sa lunsod.

Ayon sa isang obrero na si Reynaldo dela Rama, kasama sa kanilang nahukay ay ilang piraso ng dextrose at ilan pang gamit na pang-ospital.

Hindi naman matiyak ni Dela Rama kung ang mga taong may-ari ng mga buto ay noon pang panahon ng Kastila dahil ang naturang gusali ay isa sa mga pinakalumang nakatirik sa lungsod ng Laoag.

Hanggang sa ngayon ay palaisipan pa rin sa mga opisyal sa lungsod at lalawigan kung kaninong buto ang mga nahukay.

Dahil dito, magkakasa ng mas malalim na imbestigasyon ang lokal na pamahalan ng lungsod para matukoy kung sino ang mga may-ari ng mga nahukay na buto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply