Mga kandidatong pro-life, ieendorso ng CBCP sa 2013 polls

TINIYAK ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ieendorso nila sa 2013 elections ang mga kandidatong tututol sa pag-sasabatas ng Reproductive Health (RH) bill.

Ayon kay CBCP secretary general Msgr. Joselito Asis, bagamat hindi nila maaaring diktahan ang mga botanteng Katoliko kung sino ang dapat nilang iboto sa halalan, magiging mas agresibo naman ang CBCP sa pag-impluwensiya sa mga ito upang ang iboto lamang na kandidato ay yaong mga ‘pro-life’ at tututol sa pagsasabatas ng RH bill.

Sinabi ni Asis na dati-rati ay nag-iisyu lamang ang mga Obispo ng katekesis sa eleksiyon na magsisilbing checklist para sa mga botante sa pagtukoy ng moral ascendancy ng mga kandidato na dapat humawak ng puwesto sa gobyerno, ngunit ngayon ay mag-iisyu na rin ang mga miyembro ng CBCP ng hiwalay na pastoral letter para iendorso ang mga pro-life candidates na tatakbo sa public office, partikular yaong tumatakbo sa congressional seats.

Binigyang-diin ni Asis na ang pagdalo ng mga tao sa isinagawa nilang prayer power rally laban sa RH Bill noong Sabado sa Edsa Shrine ay nagpapakita ng impluwensiya ng simbahan sa kumbiksiyon ng publiko laban sa naturang panukalang batas.

“But now, we will already identify the pro-life candidates and convince voters against electing the anti-life ones,” ani Asis.

“For the bishops’ part, they can separately issue pastoral letters, reiterating the Church’s call not to vote supporters of RH bill, especially in Congress,” aniya pa.

Iginiit naman ni Asis na hindi na kinakailangang magkaroon ng solid Catholic vote tulad ng bloc voting ng ibang Christian churches dahil ang mas mahalaga ay ang impluwensiya ng simbahan sa mga mananampalataya.

Aniya, nasa mga botante pa rin naman ang desisyon kung susunod sila sa payo ng simbahan dahil ang hinihingi lamang naman umano ng simbahan sa mga mananampalataya ay manindigan sa kanilang pro-life conviction sa pagpili ng mga taong iboboto sa halalan.

“What’s important is that Church has influence over its faithful. Whether or not the voters heed the Church’s advice, its up to them. All we’re asking is for them to stand firm in their pro-life convictions in choosing who to vote in the elections,” aniya pa.

Partikular umano nilang hihimukin ang mga kabataang Katoliko na kilalaning mabuti ang mga kandidato, lalo na ngayong isang ‘pro-RH bill’ at aniya’y isang ‘anti-God’ ang nahalal na maging kinatawan ng mga ito sa Kongreso.

“Considering that the youth constitutes the majority of the voting population, we appeal to them to listen to us their elders because in order to make a right decision on who to vote, they should take it from the elders’ wisdom and maturity,” dagdag pa niya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply