Mga kawani ng PAGASA nagkilos-protesta

BALIK-TRABAHO na ang mga empleyado ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nagsagawa ng protesta sa tanggapan ng PAGASA kaninang lunch-break.

Suot ang itim na ribbon sa braso ay inihayag ng mga empleyado kasama na ang mga weather forecaster ang kanilang pagkadismaya dahil sa hindi pa rin natatanggap na sinuspindeng benipisyo mula sa gobyerno.

Ang kilos-protesta ay pinangunahan ng Philippine Weathermen Employees Association (PWEA).

Sa isinagawang press conference, medyo naging emosyonal si PWEA President Ramon Agustin habang inilalahad ang hinaing ng mga empleyado ng PAGASA.

Nagprotesta man ang mga kawani, ay hindi naman naapektuhan ang daloy ng trabaho ng ahensya.

Iginiit pa ng grupo na hindi rin maapektuhan ang kanilang trabaho sa mga susunod na araw.

Sa Biyernes, magkakasa ng noise barrage ang mga kawani gamit ang mga lata ng sardinas para kalampagin ang pamahalaan na ibigay na sa kanila ang naturang benipisyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply