Mga kawani ng PAGASA natanggap na ang benepisyo

NAKATANGGAP na ng bahagi ng kabuuang benepisyo ang mga empleyado ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) batay sa sinasaad sa Republic Act No. 8439 o ‘An Act Providing a Magna Carta for Scientists, Engineers, Researchers and Other Science and Technology Personnel in Government’.

Sinabi ni PAGASA Administrator Nathaniel Servando na bakas sa mga mukha ng mga ‘rank and file’ employees ng ahensya ang kasiyahan matapos matanggap ang bahagi ng kanilang benepisyo tulad ng hazard at longevity pays.

Matatandang nagprotesta ang mga empleyado ng PAGASA dahil sa hindi pa natatanggap na benepisyo na ipinangako ng administrasyong Aquino.

Matatandaan na nitong nakaraang Agosto 14, nagprotesta ang mga empleyado ng PAGASA dahil sa hindi pa nila natatanggap na benepisyo.

Nagsuot ang mga empleyado ng PAGASA ng itim na arm bands bilang protesta sa mga hindi pa rin naibibigay na benepisyo mula pa noong Marso.

Subalit siniguro ng mga empleyado na hindi maantala ang trabaho sa PAGASA sa kabila ng gagawing kilos-protesta.

Noong nakaraang buwan ay umapela ang mga empleyado ng PAGASA kay Pangulong Noynoy Aquino para maibigay na ang kanilang mga benepisyo, alinsunod sa Republic Act no, 8439.
Sinasabi sa kautusan na may karapatan sa mga benepisyo katulad ng “hazard at longevity pays” ang mga “Science and Technology Personnel” ng gobyerno.

Dahil sa pangako ni DOST Secretary Mario Montejo naibigay ang kahilingang benepisyo sa mga  empleyado matapos iproseso ito ng Department of Budget and Management (DBM).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply