Mga kawani ng paliparan ng Cebu, nagpoprotesta

NAGSASAGAWA ng protesta o silent protest ang mga apektadong empleyado ng Department of Transportation and Communications , katulad ng isinagawa ng mga kawani ng Philippine Atmospheric and Geophysical Administration o PAGASA head office sa lungsod ng Quezon dahil inalis ang kanilang mga benepisyo.

Tinanggal diumano ng DOTC ang overtime pay ng mga empleyado ng Bureau of Quarantine na nakatalaga sa pandaigdigang paliparan ng Mactan-Cebu.

Ayon sa Board of Airline Representatives at Airline Operators’ Council, mga kinatawan ng mga airline, hindi na kailangang bayaran ang overtime pay ng mga manggagawa simula noong ipinatupad ang 24-hour work shift.

Ayon naman sa mga kawani, nararapat pa rin ang kanilang overtime pay dahil lagpas pa rin naman sa takdang oras ang kanilang ipinapasok, pati na tuwing holiday, baha at bagyo.
.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply