Mga lugar na lubog pa sa baha – MMDA

BAGAMAN bumaba na ang baha sa ilang lugar sa Metro Manila, nakararanas pa rin ng paglubog sa tubig ang matinding naapektuhan ng paghagupit ng hanging Habagat sa Marikina, Pasig, Rizal at CAMANAVA (Caloocan, Navotas, Malabon, Valenzuela).

Ayon sa panayam sa radyo kay Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Atty. Francis Tolentino, posibleng humupa na ang matitinding baha ngayong araw kung magtutuluy-tuloy na ang paghinto ng malakas na ulan.

Sinasabing humupa na rin ang baha sa Roxas Boulevard, Recto Avenue-Magsaysay Boulevard, at EDSA base na rin sa pagmomonitor ng MMDA.

Samantala, hanggang tuhod naman ang baha sa Taft Avenue, Maynila partikular sa Finance Road hanggang sa may Pedro Gil habang lubog pa rin sa baha ang ilang tunnel tulad ng Lagusnilad sa harap ng Manila City Hall at EDSA P. Tuazon Tunnel.

Hanggang tuhod din ang baha sa Shaw Boulevard-Kalentong, Mandaluyong at hanggang baywang naman ang baha sa Pasig partikular ang Rosario, De Castro at Country Side.

Not passable pa rin ng anumang uri ng sasakyan ang Araneta Avenue hanggang Maria Clara.

Narito pa ang mga lugar na lubog pa rin sa baha na latest monitor ng MMDA kaninang alas-9:00 ng umaga:

Not passable (all types of vehicles):

-EDSA P. Tuazon tunnel (NB at SB)
-BBB to MC Arthur Valenzuela
- R. Papa to Rizal Avenue, Caloocan
-Rosario to Tramo/Ortigas Extn Pasig
-Life homes to Cainta Junction
-Marcos Highway to Masinag, Marikina
-Marcos Hi-way to Vermount Marikina (waist-deep)
-Maysilo Malabon (waist-deep)
-C-5 Eagle st. SM Hypermart Pasig (knee-deep)
-Kalentong (knee-deep)
-España-Lacson (waist-deep)
-Quirino Taft
-Quiapo tunnel
-Araneta to E. Rodriguez
-Araneta to Victory (waist-deep)
-Camia JP Rizal to Rockwell Poblacion Makati (waist-deep)

Not passable (light vehicles):
-C4 Lascana, Malabon (knee-deep)
-Fatima Valenzuela (above knee-deep)
-Marcos Highway to Filinvest Marikina (above knee-deep)
-Recto to Tomas Mapua (knee- deep)


Leave a Reply

*
sana naman wag niyang maisipan idi=display ang erm...
75 yrs old, tinitelagan pa ba yun? lol!...
ANO BA YAN STD IKAW LAMANG ALBUM SOLD OUT NA AGAD?...
NYAHAHAHAHAHA SUNDAY ALL STARLETS MAG REFORMAT HAH...
NYAHAHA STD GRABE ONE MILLION PCS PALA ANG NABENTA...
NYAHAHAHAHA GANYAN NAMAN DYAN SA KAMUNING MGA TALE...
NYAHAHAHA 3.6 MILLION INDIVIDUAL NA ANG NATULONGAN...
mas mabantot si kristd sa mga stars ng dos . di ba...
tama kayo mabaho para kay kristd ang mga stars ng ...
NYAHAHA STD DAHIL SA MGA STARS NG DOS ANG NET INCO...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.