Mga motorista binalaan sa paggamit ng LTO 100th commemorative plate

NAGBABALA ngayon ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista hinggil sa pagbili o paggamit ng tinatawag na Land Transportation Office (LTO) “100” commemorative plates.

Ayon kay MMDA Chairman Atty. Francis Tolentino, mismong ang LTO na ang nagsabi na hindi sila awtorisado sa pag-iisyu ng naturang commemorative plates o kahit ano pang LTO 100th founding anniversary commemorative plates na lantarang ginagmit ngayon ng mga motorista.

Babala ng MMDA, ang sinomang tatangkilik nito ay pagmumultahin ng P5,000 at kukumpiskahin ang naturang commemorative plate.

Ayon sa MMDA ang naturang plaka ay ginagamit ng mga motorista para maligtasan o malusutan ang paghuli ng awtoridad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply