Mga nabasang papeles sa Manila City Hall pinatutuyo sa araw

IBINILAD ngayon ng mga tauhan ng Manila City Hall ang libo-libong papeles na nasawsaw sa baha nang malubog sa baha ang Maynila nitong mga nakalipas na araw.

Kabilang sa mga papatutuyuin ng mga tauhan ang mga birth certificate, business permit application at death certificate.

Kasama rin nabasang papeles ay ang mga dokumento ng Bureau of Permits, Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), at halos lahat ng tanggapan na nasa unang palapag ng gusali.

Batay sa ulat, umabot sa hita ang tubig-baha kaya’t pinasok ang loob ng city hall at nabasa ang mga papeles sa unang palapag.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply