Mga OFW sa Syria gusto nang umuwi – DFA

NAGPAHAYAG na ng kagustuhan ang mga overseas Filipino worker (OFW) na lisanin ang bansang Syria dahil sa patuloy na kaguluhan sa naturang bansa.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman Raul Hernandez, aabot sa 1,300 OFWs ang naiipit sa kaguluhan sa Syria na nagpahayag nang kagustuhang umuwi na sa Pilipinas.

Sinabi ni Hernandez na gumagawa na ng paaran at paghahanda ang Philippine embassy sa Syria para sa agarang paglikas ng mga OFW na gusto nang umuwi.

Inaasahang makakauwi din sa Pilipinas ang mga naturang OFW matapos nilang makumpleto ang kanilang exit requirements.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply