Mga paring Pinoy hinimok ng Vatican na magbigay edukasyon vs AIDS/HIV

HINIMOK ng isang Vatican official ang mga paring Pinoy na magkaroon ng mas aktibong papel sa pagbibigay ng edukasyon sa tao hinggil sa nakahahawa at nakamamatay na HIV/AIDS.

“Education continues to be the only effective vaccine to combat denial, ignorance, and prejudice which places people at risk of contracting HIV,” ayon kay Monsignor Robert Vitillo, na siyang special adviser on HIV and AIDS para sa Caritas Internationalis at head ng International Delegation to the UN sa Geneva.

Nabatid na bilang point man sa HIV/AIDS ng Catholic Church, isinusulong ni Vitillo ang pagbibigay ng edukasyon hinggil sa naturang nakamamatay na sakit.

Aniya, isa sa mabisang paraan nang pag-educate ng tao hinggil sa AIDS ay ang pagdadala ng isyu sa pulpito.

“Reflect with people on the hope for a world in which fewer people will become infected with HIV and which those living with or affected by the disease can be treated with respect and compassion,” pahayag ni Vitillo sa isinagawang workshop hinggil sa HIV/AIDS sa San Carlos Seminary, Makati City na dinaluhan ng mga pari sa Metro Manila.

Iprinisinta pa ng Vatican official sa mga pari ang ilang Scriptural texts na magsisilbing inspirasyon nila sa kanilang mga homiliya at iba pang repleksiyon hinggil sa karamdaman.

Sinabi pa ni Vitillo na ang World AIDS Day, tuwing Disyembre 1 ay isang pagkakataon para sa lahat na mangaral, manalangin at umasa na magkakaroon ng pagkakaisa upang labanan ang patuloy na pagkalat ng sakit.

“World AIDS Day is at the beginning of Advent. Reflect on ‘waiting’ for care and compassion that are needed by so many people affected by HIV,” aniya.

Una na ring idineklara ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang first Sunday ng Disyembre bilang Catholic AIDS Sunday, na naglalayong magabayan ang mga mananampalataya sa pagtugon sa pagdami ng bagong AIDS cases sa bansa.

Matatandaang si Manila Archbishop Luis Antonio Tagle ang nagtakda ng naturang workshop hinggil sa AIDS dahil naniniwala siyang kinakailangang matutunan ng mga taga-simbahan ang mga bagay-bagay hinggil sa sakit upang maging epektibo ang kanilang pastoral response sa “silent epidemic.”

Ang dalawang unang araw ng workshop (Aug. 22 at 23) ay inorganisa eksklusibo para sa mga pari habang ang huling araw nito (Aug. 24) ay bukas naman para sa mga seminarian at mga lay people.

Matapos ang workshop sa Metro Manila ay magtutungo naman si Vitillo sa Cebu City para magsagawa ng kahalintulad na workshop

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply