Mga pasok sa shortlist para sa CJ post

WALO ang nakapasok o napabilang sa shortlist na pagpipilian ng susunod na punong mahistrado ng Korte Suprema.

Ang mga pasok ay ang mga sumusunod:

1. Acting Chief Justice Antonio Carpio (7 votes)
2. Roberto Abad (6 votes)
3. Arturo Brion (6 votes)
4. Teresita Leonardo De Castro (5 votes)
5. Maria Lourdes Sereno 6 votes)
6. Solicitor General Francis Jardeleza (6 votes)
7. Former Ateneo Law Dean Cesar Villanueva (5 votes)
8. Ronaldo Zamora (6 votes)

Kaagad na isusumite ng Judicial and Bar Council (JBC) kay Pangulong Noynoy Aquino ngayong hapon ang nasabing listahan ng mga nominado na kanilang pinagbotohan para sa nasabing posisyon.

Ayon kay JBC ex-officio member at Iloilo Rep. Neil Tupas Jr., kumpleto ang walong member ng JBC na bumoto sa mga nominado sa posisyong nabakante ni dating Chief Justice Renato Corona na napatalsik sa pamamagitan ng impeachment trial.

Nasa kamay na ngayon ni Pangulong Aquino ang pagdedesisyon kung sino ang susunod na punong mahistrado ng Korte Suprema.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply