Mga Pinoy nangunguna sa mga pinakamalakas manigarilyo

NANGUNGUNA umano ang Pilipinas sa mga bansa sa Southeast Asia sa mga pinaka-malakas manigarilyo.

Batay sa pag-aaral ng World Health Organization lumalabas na umaabot na sa 17 milyong Pinoy ang naninigarilyo maging ito ay babae o kabataan.

Nabatid pa na mula sa nabanggit na bilang, 17.5% sa mga ito ay puro mga batang babae at 28.3% naman ay mga batang lalaki at 10 tao ang namamatay kada oras.

Dahil dito, nagpahayag ng pagkabahala si Health Sec. Enrique Ona lalo na at pabata nang pabata ang mga humihithit ng sigarilyo.

Kaya naman suportado ni Ona ang isinusulong na Sin Tax bill para kahit paano ay mabawasan ang bilang ng mga naninigarilyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply