Mga residente sa paligid ng Marikina River, pinalilikas na

PATULOY na inililikas at pinapayuhan ng Department of Science and Technology (DOST) ang mga residente sa paligid ng Marikina River na magsilikas na sa posibleng pagtaas ng tubig baha.

Ayon kay spokesperson at Nationwide Operational Assessment of Hazards (Project NOAH) Director Raymond Liboro, ito’y dahil sa patuloy na pag-apaw ng naturang ilog na umabot na sa 20.8 meters ang water level bunsod ng walang tigil na pag-ulan kagabi.

Partikular na tinukoy ni Liboro ang mga residente sa Barangay Tumana; Calumpang; Malanday; Tañong; F.V.R. Road; Evangelista at J.P. Rizal Streets.

Tiniyak naman ni Liboro na nakikipag-ugnayan na sila sa mga lokal na opisyal ng Marikina upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa paligid ng ilog.

Sinabi pa ni Liboro na ilan pang lugar sa Marikina City ang nanganganib na maapektuhan ng baha kapag nagpatuloy ang buhos ng ulan..

Ayon kay Marikina City Vice Mayor Jose Fabian Cadiz, ito ay sakaling magpatuloy ang pag-apaw ng Marikina River bunsod ng walang tigil na ulan.

Tiniyak naman ni Cadiz na sapat ang bilang ng kanilang mga rubber boat para sa paglikas ng libu-libong residente sa mga lugar na apektado ng baha.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply