Mga sekyu tinambangan: 2 patay, 4 sugatan

NASAWI ang dalawang security guard habang apat naman ang nasugatan makaraang tambangan ng tinatayang 30 armadong kalalakihan sa Maguindanao, alas-otso kagabi.

Kinilala ang mga namatay na sina Deodemar Sarbosa, Moises Catalan habang sugatan naman sina Ronald Benzon, Allan Tanalgo, Carlos Chavez at Rogelio Ladio, mga quality worker at mga miyembro ng Columbia Security Agency.

Nabatid na nag-i-escort ang mga biktima sa container van ng Sumitomo Fruits (SUMIFRU) na may kargang saging mula sa packing plant ng Paglas Banana Plantation patungong Davao City.

Nang nasa Kapok, Brgy. Alip, Datu Paglas, Maguindanao na ang mga biktima ay hinarang ang mga ito ng mga suspek na armado ng mga matataas na uri ng armas.

Lumaban ang mga biktima at nagpaputok laban sa mga rebelde ngunit natamaan sina Sarbosa at Catalan sa palitan ng putok na agad nilang ikinasawi habang isinugod naman ang mga malubhang nasugatan sa Datu Paglas District Hospital.

Hinala naman ni Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu na extortion ang motibo sa pananambang.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply